MAY kabuuang halaga ng halos P40B ang nasamsam ng Marcos administration sa loob ng 2 taong panunungkulan nito.
Batay ito sa pinagsama-samang datos mula sa iba’t ibang operating units ng pulisya mula Hulyo 1, 2022 hanggang Oktubre 7, 2024.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, patunay lamang ito ng kanilang commitment na labanan ang ilegal na droga.
Nakapagkasa ang kanilang hanay ng 109,694 na anti-drug operations sa buong bansa at nagresulta naman sa pagkakaaresto ng 137,190 indibiduwal.
Nangunguna ang shabu sa pinakamaraming nasabat sa mga ikinasang operasyon na sinundan ng marijuana, cocain gayundin ng ecstasy at ketamine na aabot sa mahigit P39.8B.
Pinakamaraming naikasang operasyon ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na sinundan naman ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) gayundin ang Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region.