Margielyn Didal, nasa recovery stage dahil sa left ankle fracture

Margielyn Didal, nasa recovery stage dahil sa left ankle fracture

SUMASAILALIM ngayon sa recovery ang Filipino Olympian at skateboarder na si Margielyn Didal.

Sa isang social media post ni Didal, ibinahagi niya na nagkaroon siya ng fracture sa kanyang left ankle dahil sa injury na natamo niya sa kanyang sinalihang skating competition noong nakaraang linggo.

Matagumpay naman ang surgery subalit natutunan na rin ni Didal na mas mainam kung alagaan din ng bawat isa ang kanilang kalusugan.

Sa kabila nito ay ipinangako niya na hindi siya hihinto sa kinahiligang skateboarding at sasali pa rin siya sa mga kompetisyon kung makaka-recover na ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter