IP Education Program ng DepEd, patuloy na maninindigan tungo sa isang inklusibong edukasyon –VP Sara

IP Education Program ng DepEd, patuloy na maninindigan tungo sa isang inklusibong edukasyon –VP Sara

PATULOY na maninindigan ang Indigenous Peoples (IPED) Education Program tungo sa isang inklusibong edukasyon.

Ito ang pagtitiyak ni VP at Education Sec. Sara Duterte sa kaniyang mensahe para sa sa pagdiriwang ng pambansang buwan ng mga katutubo.

Ayon kay Duterte ang IP Education Program ay kabilang sa prayoridad at direksyon ng Basic Education Development Plan 2030.

Aniya, ang pagkatatag ng IPED noong 2011 ay tugon ng DepEd sa karapatan ng mga katutubong pamayanan sa isang edukasyon na kumikilala at tumutugon sa kanilang konteksto, may respeto sa kanilang pagkakakilanlan, at nagtataguyod sa kahalagahan ng kanilang katutubong kaalaman, kakayahan, at iba pang aspeto ng kanilang kulturang pamana.

Sa loob ng 8 taon na progresibong implementasyon at 2 taon na pagtugon sa hamon ng pandemya ani Duerte, naabot ng kagawaran ang humigit-kumulang na 2.5 milyon na mga katutubong mag-aaral.

Ipinaabot ni Duterte ang kaniyang pasasalamat sa ating mga katutubong pamayanan, mga guro at iba pang kasapi sa kagawaran, agency partners at external stakeholders, sa kanilang naging kontribusyon upang maging buhay na karanasan ang IPED sa ating mga paaralan at sa buhay ng bawat katutubong mag-aaral.

 

Follow SMNI News on Twitter