ISA ang aktres na si Marian Rivera sa naging highlight ng Preview.ph Style Icon Award.
Si Marian ay limang beses na na-feature bilang cover magazine ng Preview na unang lumabas noong 2008 at sinundan noong 2009 na may temang Barbie.
Nobyembre 2012 naman nang masundan ang kaniyang ikatlong paglabas bilang cover magazine ng Preview at Disyembre 2014 at Enero 2015 naman na may temang wedding.
Disyembre 2022 naman ang pinakahuling cover appearance ni Marian sa Preview magazine na nakakuha ng Best Dressed List.
Samantala, nagpapasalamat naman si Marian sa pagkilala na kaniyang natanggap.