GUMAWA ang University of the Philippines-Marine Science Institute (UP-MSI) ng isang online tool na maaaring magamit para ma-monitor ang marine heatwaves sa bansa.
Tinawag na ‘marine heatwave tracker’, makikita na mula dito ang daily updates hinggil sa marine heatwave events sa karagatan ng Pilipinas.
Sa tulong nito ay magiging aware ang lahat hinggil sa dulot na banta ng mataas na temperatura ng dagat sa marine life, fisheries, at coral reef ecosystems.
Katuwang ng UP-MSI dito ang Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development.