Mario Maurer, tutungo sa Pilipinas ngayong Hunyo

Mario Maurer, tutungo sa Pilipinas ngayong Hunyo

TUTUNGO sa Pilipinas ang Thai superstar na si Mario Maurer!

Nitong April 30, 2023, sinabi ng aktor na kasama siya sa “The Exchange: Thailand” na gaganapin sa June 22 sa World Trade Center.

Layunin ng naturang one-night event ang mai-showcase ang Thai at Filipino talent sa pamamagitan ng isang concert.

Makakasama rin ni Maurer ang ibang Thai talents maging ang Filipino celebrities na sina Donny Pangilinan, AC Bonifacio, at P-pop Boy Group BGYO.

Bumida si Mario Maurer sa sikat na 2010 Thai rom-com na “A Crazy Little Thing Called Love”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter