RUMAMPA ang aktres ni si Maris Racal sa red carpet para irepresenta ang kaniyang film na “Sunshine” sa ginanap na prestihiyosong event sa Berlin nitong Pebrero 15.
Ang nasabing pelikula na pinamagatang “Sunshine” ay istorya ng isang batang rhythmic gymnast na ginampanan ni Maris Racal, na nadiskubreng buntis bago ang kaniyang try out sa national team.
Umani naman ng papuri sa netizens ang inspired Sampaguita long dress ni Maris na anila’y napakaganda.
Nagpasalamat at ibinahagi naman ng aktres sa social media ang kaniyang excitement dahil sa pangarap niyang makadalo sa isang prestihiyosong film festival na inilarawan niyang unforgettable.