NANUMPA na bilang ika-24 na Prime Minister ng Canada si Mark Carney. Ito ay kasunod na personal na ibinigay ni Justin Trudeau ang kaniyang resignation letter Biyernes ng umaga na nagtatapos ng kaniyang halos isang dekadang serbisyo.
Nagpasalamat si Trudeau sa tiwalang ibinigay sa kaniya, maging sa mga hamon na kaniyang natanggap.
“Thank you, Canada for trusting in me, for challenging me,” pahayag ni Justin Trudeau, Former Prime Minister, Canada.
Pinalitan ni Carney si Trudeau bilang bagong lider ng Liberal Party ng Canada matapos ito nagkaroon ng landslide victory sa botohan.
Si Carney ay nagsilbi bilang dating governor ng Bank of Canada mula 2008 hanggang 2013, habang nagsilbi rin itong dating governor ng Bank of England mula 2013 hanggang 2020.
Ang bagong liderato ni Carney ay nagsisimula dalawang buwan matapos nanumpa bilang ika-45 Presidente ng Amerika noong Enero ngayong taon.
Sa ngayon, hindi pa nag-uusap sina Canadian Prime Minister Mark Carney at U.S. President Donald Trump.