Mas malawak na kooperasyon, bunga ng naging pagbisita ni Chinese FM Wang Yi sa Thailand

Mas malawak na kooperasyon, bunga ng naging pagbisita ni Chinese FM Wang Yi sa Thailand

MAS malawak na kooperasyon sa ibang sektor ang bunga ng naging pagbisita ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Thailand.

Ayon kay Professor Sitthipon Kruarattikan mula sa Thammasat University, ang pagbisitang ito ay magpapalakas rin sa ugnayan ng dalawang bansa sa iba pang sektor.

“This is an opportunity for the new Thai government to emphasize its position toward China. The two countries already made a joint communique declaring that both sides would accelerate the construction of the railway project linking Thailand and Laos and linking to the southern part of China. So, therefore I think now the Srettha government would try to speed up this project,” ayon kay Sitthiphon Kruarattikan, Professor, College of Interdisciplinary Studies, Thammasat University.

Isang mutual visa free agreement ang pinirmahan ng China at Thailand sa pangunguna ni Wang at Thai Deputy Prime Minister Parnpree Bahiddha-nukara.

“China and Thailand will enter a ‘visa-free era’ as we have just signed an agreement on mutual visa exemption. It will bring bilateral people-to-people exchanges to a new height. there will be a big increase in the number of Chinese tourists visiting Thailand,” ayon naman kay Wang Yi, Foreign Minister, China.

Simula Marso 1 ay magiging epektibo ang visa waiver na ito kung saan maaari nang magtungo ang mga Chinese at Thai sa kanya-kanyang bansa nang libre at maaaring manatili ng 30-araw.

Nakipagkita rin kay Thai Prime Minister Srettha Thavisin si Wang at binigyang-diin na layon nitong mas lumalim pa ang bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.

Matatandaan na malaki ang naitulong ng Chinese tourists sa sektor ng turismo ng Thailand bago pa ang pandemya dahil ang bilang ng Chinese na bumisita sa Thailand noong 2019 ay umabot ng 11-M katao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble