PHILIPPINES | Abril 22, 2025 – Epektibo na ang mas mataas na passenger service charge o service fee para sa mga pasahero sa lahat ng paliparang pinamamahalaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) simula Abril 21, 2025, ayon sa inilabas na memorandum ng ahensya.
Apektado ng pagtaas ang parehong international at domestic na mga biyahe:
International Flights – mula ₱550 ay naging ₱900
Domestic Flights:
Sa international airports: ₱350
Sa Principal Class 1 airports: ₱300
Sa Principal Class 2 airports: ₱200
Sa Community Airports: ₱100
Sa kasalukuyan, mayroong:
6 International Airports sa ilalim ng CAAP:
Bohol, Davao, Iloilo, Kalibo, Laoag, Puerto Princesa
34 Principal Class 1 & 2 Airports
35 Community Airports sa buong bansa
Ayon sa CAAP, bahagi ito ng kanilang hakbang para sa modernisasyon ng pasilidad at pagpapahusay ng serbisyo sa mga paliparan.
Follow SMNI News on Rumble