DUMATING sa Pilipinas ang dalawang international cruise vessels na may dalang mahigit 2,300 pasahero nitong buwan ng Enero.
Sa pahayag ng Philippine Ports Authority (PPA), isang senyales ito ng pagkakaroon ng masiglang tourism sector ngayong taon.
Upang magtuloy-tuloy ito, sinabi ng PPA na namumuhunan na sila para sa pagpapatayo ng mas magandang port infrastructure, pati na rin ng cruise terminals sa Coron, Aklan, at Camiguin.
Magtatayo na rin anila sila ng cruise ship port sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.