Mataas na trust at performance rating ng pulisya, target higitan—PNP Chief

Mataas na trust at performance rating ng pulisya, target higitan—PNP Chief

TARGET ng Philippine National Police (PNP) na higitan ang nakuhang mataas na trust at performance rating mula sa publiko.

Batay sa Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research, 8 sa 10 Pilipino o 80 percent ang nagtitiwala sa PNP, habang halos 8 sa 10 o 79 percent ang kuntento sa kanilang pagganap sa tungkulin.

Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. inaasahan niya ang kanilang mga opisyal ang magiging tulay upang maabot ng kanilang organisasyon ang iba’t ibang komunidad.

Mainam aniya na mas maramdaman pa ng publiko ang bunga ng mataas nilang rating.

Una nang tiniyak ng PNP na isasaalang-alang nila ang reaksiyon ng publiko habang patuloy na pinagbubuti ang kanilang paglilingkod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter