PATULOY pa rin ang paglagapak ng matinding pag-ulan ng yelo sa ilang bahagi ng Japan.
Kaya naman pinaghahanda na ng Japan Meteorological Agency ang mga residente dito dahil mayroong matinding posibilidad na mas lalakas pa ito.
Ayon sa mga awtoridad ng Japan, hindi bababa sa isang tao ang kumpirmadong nasawi sa nasabing kalamidad habang mayroong 2 indibidwal ang patuloy pang iniimbestigahan.
Ilang mga public transportation na rin ang pansamantalang ipinatigil dulot ng masamang panahon.
Samantala, aasahan naman ang pagbaba ng temperatura ngayong Huwebes sa ilang bahagi ng Japan.