May-ari ng mga armas, sasakyan na ginamit sa pamamaslang kay Degamo, natukoy na

May-ari ng mga armas, sasakyan na ginamit sa pamamaslang kay Degamo, natukoy na

NATUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan sa may-ari ng ilang armas at mga sasakyang ginamit sa pamamaril kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng PNP na si Col. Jean Fajardo mula sa mga nakalap nitong impormasyon sa ilalim ng isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

Ayon sa PNP, isang sibilyan ang may-ari ng isang de kalibreng armas at inaalam pa kung saan galing ang iba pang mga armas na pawang walang mga rehistro.

Habang isang sibilyan din ang may-ari ng mga mamahaling sasakyan na ginamit sa nasabing pamamaslang.

Bukod sa mga nakuhang mga ebidensiya, isa rin sa mga pinag-aaralan ang kaugnayan sa politika matapos maitala ang mainit na political rivalry sa lalawigan nitong nakaraang halalan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter