May-ari ng MT Terranova, pinabulaanan na sangkot sila sa oil smuggling

May-ari ng MT Terranova, pinabulaanan na sangkot sila sa oil smuggling

HINDI sangkot sa anumang oil smuggling ang lumubog na MT Terranova sa Lamao Point, Limay, Bataan, madaling araw nitong Hulyo 25.

Bilang tugon ito ng may-ari ng motor tanker na Portavaga Ship Management Inc. sa sinabi ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa posibilidad na sangkot ito sa ganitong kalakaran.

Sinabi rin ng spokesperson ng Portavaga na nakahanda ang kanilang mga opisyal na humarap sa anumang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing oil smuggling.

Maliban sa MT Terranova ay pinaghihinalaan din ang lumubog na MT Jason Bradley at ang na-grounded na MV Mirola 1 sa Mariveles sa ilegal na kalakaran.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble