NILINAW ng Korte Suprema na hindi obligado ng Maynilad at Manila Water na magbigay ng refund sa mga customer.
Ito’y dahil lumampas na ang prescribed filing period na itinatadhana sa batas.
Kaugnay nito, pinagbawalan ng Korte Suprema ang 2 water concessionaires na ipasa sa mga consumers ang kanilang income tax.
Ang naturang usapin o petisyon ay inihain nina dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Isagani Carlos Zarate noong 2015.