Mayor Alice Guo, hindi anak ni Wen Yi Lin

Mayor Alice Guo, hindi anak ni Wen Yi Lin

HINDI anak ng intsik na si Wen Yi Lin si Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang nilinaw ng dating consultant ni Guo na si Nancy Gamo.

Aniya, si Wen Yi Lin ay partner lang ng ama ni Guo at kasa-kasama nito sa mga biyahe.

Iginiit din ni Gamo na kilala nito ang pagkatao ni Guo at hindi ito isang espiya ng China.

Matatandaan na sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na posibleng si Wen Yi Lin ang ina ni Guo.

Una nang sinabi ni Guo na ang kanyang ina ay isang Pilipino at ito ay si Amelia Leal.

Pero wala namang makitang birth record ni Leal ang Philippine Statistics Authority.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter