Mayor Alice Guo, no show sa DOJ

Mayor Alice Guo, no show sa DOJ

TANGING abogado lang ni Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang sumipot sa unang araw ng preliminary investigation (P.I.) sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa reklamong human trafficking na inihain laban sa suspendidong alkalde.

Sa P.I., binigyan ng 15 araw si Guo para sa pagsusumite ng counter affidavit.

Sa paghahain ng counter affidavit, ayon kay DOJ Usec. Nicholas Felix Ty, kailangang personal itong ihain ni Guo sa DOJ sa susunod na pagdinig sa July 22.

“Dapat kung gusto nilang maghain ng counter affidavit, kailangan silang magpakita dito. Kailangan niyang magpakita dahil kung hindi siya magpapakita, hindi tatanggapin ang kaniyang counter affidavit,” ayon kay Usec. Nicholas Ty, Department of Justice.

Ang 13 iba pang respondents, no show din sa PI at tanging mga abogado lang ang dumalo.

Maging ang mga ito ay binigyan ng 15 araw para sa paghahain ng counter affidavit.

Binalaan naman ng DOJ ang iba pang mga indibidwal na nagsasabing nadawit lang sa illegal na POGO sa Bamban, Tarlac na pumunta sa DOJ para magsumite ng responses kung ayaw nilang makasuhan.

“Doon sa mga respondent na nagsabi na nadawit lang sila, nanawagan akong kailangan niyong magpakita dito. Kailangan niyong sumagot dahil kung hindi kayo sumagot baka makasuhan kayo,” ayon kay Ty.

Inihaing Human Trafficking Complaint vs. Mayor Guo, mahina ayon sa kaniyang abogado

Samantala sa isang media interview, sinabi ni Atty. Alex Avisado Jr, abogado ni Alice Guo na ang reklamong human trafficking na isinampa laban sa kaniyang kliyente ay mahina. Wala raw umano kasing matibay na ebidensya ang mga complainant.

“Ang burden of evidence required napakataas. To indict Mayor Alice Guo there must be reasonable certainty of conviction. So, ang crime na human trafficking, if you recruit, transport, transfer persons for domestic employment pero purpose mo talaga ay prostitution, sexual exploitation, slavery, forced labor. Tignan ninyo ang ebidensiya against Mayor Alice Guo papel, bill ng kuryente, letter of no objection, articles of incorporation. Itong mga dokumento na ‘yun, hindi enough to commit the crime of human trafficking. There must be overt act so itong kasong ito na finile against her mahina, with all due respect, mahina, medyo pilit talaga. In fact, pag binasa ninyo ang complaint aminado ang CIDG at PAOCC na there is no direct evidence of human tarfficking against Mayor Alice Go,” ayon kay Atty. Alex Avisaddo Jr., Legal Counsel ni Mayor Alice Guo.

OSG, maghahain na ng petisyon para sa pagpapakansela ng birth certificate ni Mayor Alice Guo

Samantala sinabi naman ng Office of the Solicitor General (OSG) na ngayong araw sila maghahain ng petisyon para sa kanselasyon ng birth certificate ni Mayor Alice Guo dahil sa kabiguan nito na masunod ang mga legal requirement para sa late registration.

Ayon sa OSG, susundan nila ito ng paghahahin ng petition for quo warranto na magbibigay daan para sa pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto.

“Today, the OSG will file a petition for the cancellation of the certificate of live birth of Alice Leal Guo on the ground, among others, of failure to comply with the legal requirements for late registration. This will lay the groundwork for the subsequent filing of a petition for quo warranto,” ayon sa OSG.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble