HINDI sang-ayon si Mayor Belen Fernandez sa rason na hindi kumpleto ang dokumento kaya hindi naipasa ang kabuoang budget ng Dagupan City.
Ani Mayor Belen, wala sa batas ang mga hinihinging dokumento ng mayorya ng mga konsehal sa Sangguniang Panlungsod.
Aniya, hindi requirement ilalim ng Local Budget Memorandum ng Department of Budget and Management (DBM) ang nire-require nilang listahan ng job order employees.
Dagdag pa nito, ang DBM ang siyang may awtoridad sa paghahanda ng mga dapat na isumiteng dokumento ng mayor sa mga miyembro ng sanggunian para sa pagpasa ng annual budget ng siyudad.
Paliwanag ng mayora, hindi maaring kulangan o higitan ang nakasaad sa batas.
Sa ngayon, daan-daang mga job order employees ang nawalan ng trabaho sa Dagupan matapos tanggalan ng budget ng mayorya ng mga konsehal sa Sangguniang Panlungsod.