PANGATLO sa mga alkalde sa Kalakhang Maynila si Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay City na nakakuha ng 85% approval rating.
Nakuha naman ni Cong. Antonino “Tony” Calixto ang pang-apat sa mga kinatawan ang 84% na approval rating na inilabas ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) mula Pebrero 25 hanggang Marso 8, 2023.
Nasa 10,000 mamamayan ng Kalakhang Maynila na nasa edad 18 – 70 at mga botante ang na-survey ng RPMD.
Sa survey, naging basehan ang mga gampanin sa mga nasasakupan, at serbisyong kanilang naibigay sa mga mamamayan ng mga lungsod.