Dewatering activity ng Maynilad, tuluy-tuloy pa rin

Dewatering activity ng Maynilad, tuluy-tuloy pa rin

TULUY-tuloy pa rin ang isinasagawang dewatering activity ng Maynilad sa primary line sa kahabaan ng Osmeña kanto ng Zobel Roxas sa Makati.

Matapos nito, sinabi ng Maynilad na saka lamang maaaring umpisahan ang pipe cutting para mapasok ang primary line at ma-assess ang damage mula sa loob ng nasabing pipeline.

Bago ang dewatering activity, nauna nang natapos kagabi ang pipe inspection sa 2,200mm-diameter primary line kung saan isinara ang lahat ng lateral pipelines upang masiguro na wala nang tubig na papasok pa sa primary line para makumpuni ang tagas dito.

Kasalukuyan naman nag-iikot ang mobile water tankers ng Maynilad sa mga apektadong customer.

Maaari ding makakuha ng malinis na tubig sa mga naka-install na stationary water tanks sa iba’t ibang lugar kung saan makikita ang lokasyon ng mga ito sa social media pages ng Maynilad.

Una nang inanunsyo ng Maynilad na 20 hanggang 57 oras makararanas ng water interruption ang libo-libo nilang customer sa Pasay, Parañaque, Makati at Maynila simula alas-3 ng hapon sa Marso 5 hanggang alas-1:59 ng gabi sa Marso 7 dahil sa isinasagawang major leak repair.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter