Mayor Inday Sara, mas malaki ang tsansa na hindi tatakbo sa pagkapangulo- Sen. Dela rosa

Mayor Inday Sara, mas malaki ang tsansa na hindi tatakbo sa pagkapangulo- Sen. Dela rosa

INIHAYAG ni Senator ‘Bato’ Dela Rosa na sa palagay nito ay 60 percent ang tsansa na hindi tatakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte.

Para kay Senator Dela Rosa mas malaki ang tyansa na hindi tatakbo si Mayor Sara Duterte sa pagkapresidente sa 2022 elections.

Ito ang inihayag ng senador ng tanungin ito sa maaaring magiging pinal na desisyon ng presidential daughter para sa darating na halalan.

Sa tingin aniya ng senador, 60 percent ang tsansa na hindi ito tatakbo sa pagkapangulo.

Pero sinabi ni Senator Bato na ang 40 percent ng maaaring pagtakbo ni Inday Sara sa pagkapresidente ay malaki pa ring pag-asa para sa pagtakbo ng Mayora.

‘’40%is not a slim chance, malaki pa rin ‘yang 40. Oo totoo ‘yon,’’ayon kay Dela Rosa.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na handa ito umatras sa kaniyang kandidatura sakaling magdesisyon man si Mayor Sara na tumakbo.

Sakali namang hindi talaga tatakbo si Mayor Inday ay wala ng atrasan ang pagtakbo ng senador sa pagkapangulo sa 2022.

Matatandaan na sa November 15 ang deadline ng Comelec para sa substitution.

SMNI NEWS