POSIBLENG suportahan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kandidatura ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Ayon kay BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, ang kanilang pag-endorso kay Vice-President Leni Robredo bilang pangulo sa halalan 2022 ay para lang sa kaniya.
Hindi aniya kasama sa endorsement ang ka-tandem nitong si Kiko Pangilinan.
Nilinaw ni Ebrahim na hindi pa nila maisasapinal ang pag-endorso dahil inaantay pa ng BARMM na ipresenta ni Mayor Inday sa kanila ang kanyang plataporma.