Mayor Isko Moreno, hinikayat si VP Robredo na mag-withdraw

Mayor Isko Moreno, hinikayat si VP Robredo na mag-withdraw

HINIKAYAT ni Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno na umurong na sa kanyang kandidatura ngayong halalan si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Moreno, si Bongbong Marcos lang naman ang habol ni Robredo na makalaban upang hindi makabalik ang mga Marcos sa Malakanyang.

Aniya, hindi naging epektibo ang mga ginagawa ni Robredo laban sa mga Marcos kung kaya’t dapat lang na huminto na lang ito.

Ayon pa kay Isko, katulad niya at ng iba pang kumakandidato sa pagka-pangulo, ang pagmamahal nila sa sambayanang Pilipino ang nag-udyok sa kanila upang mangarap sa mas mataas na posisyon.

‘’The same challenge that they are giving us to Senator Ping, to Secretary Norberto Gonzales, to Senator Pacquiao now we are calling, be a hero, withdraw, Leni,’’ ayon kay Moreno.

Samantala, tugon naman ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, hindi aatras si VP Leni lalo na at pasulong na ang momentum ng people’s campaign ni Robredo.

Follow SMNI NEWS in Twitter