Kampo ni VP Leni, itinangging may bayaran sa kanyang campaign rallies

Kampo ni VP Leni, itinangging may bayaran sa kanyang campaign rallies

ITINANGGI ng kampo ni Vice President Leni Robredo na nababayaran ang mga dumalo sa kanyang campaign rallies.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Atty. Barry Gutierrez, ang mga dumalo sa grand rally sa General Trias Sports Park sa Cavite ang mismong nagsasalita na hindi sila nakatanggap ng anuman.

Katunayan pa nga aniya ay ang mga supporters ni VP leni ang nagbabayad sa campaign posters at pink t-shirts.

Wala aniyang hakot na naganap at kusang pumunta ang mga tao sa pinagdausan ng rally.

Follow SMNI NEWS on Twitter