Mayor Janice Degamo, inuugnay sa pagpatay sa kaniyang asawa

Mayor Janice Degamo, inuugnay sa pagpatay sa kaniyang asawa

NANAWAGAN si Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa mga awtoridad na tingnan ang ibang anggulo sa Degamo slay case.

Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa kaniyang viber message sa mga kasamahang kongresista, nanawagan si Teves na paimbestigahan si Mayor Janice Degamo, ang maybahay ng nasawing gobernador.

Pati na ang anggulo ng pagliban ng 5 sa 6 na police escort ni Degamo noong araw na ito’y tambangan.

Nanawagan din ito sa administrasyon na ihinto na ang trial by publicity na kaniyang nararanasan ngayon.

“Please help in stopping this trial by publicity. Look at other angles especially the wife and absent bodyguards,” giit ni Teves.

Muli namang nanawagan si Teves kay Justice Sec. Boying Remulla na bigyan ito ng ‘fair trial’ at maging open minded.

Saad din nito na wala siyang tiwala sa mga awtoridad na ibibigay sa kaniya bilang proteksiyon lalo na’t maraming impormasyon ang nakarating sa kaniya na may gusto siyang idiin at ipakulong sa Degamo slay case.

Follow SMNI NEWS in Twitter