MAAARI pa ring tumakbo bilang kongresista ng Marikina 1st District si Mayor Marcy Teodoro, ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Ito ay sa kabila ng ipinataw na preventive suspension ng Ombudsman dahil sa umano’y maling paggamit ng pampublikong pondo.
Ayon kay COMELEC Chair George Garcia, hangga’t walang pinal na hatol ang korte, mananatili siyang kandidato at kasama pa rin ang kanyang pangalan sa balota.
Noong Marso 21, sinuspinde ng Ombudsman si Teodoro at 18 iba pang opisyal ng Marikina sa loob ng anim na buwan nang walang sahod dahil sa umano’y maling paggamit ng P130M mula sa pondo ng PhilHealth.
Ayon sa Anti-Graft Body, may matibay na ebidensiya laban kay Teodoro at sa iba pang mga nasasakdal.
Follow SMNI News on Rumble