Mayor Vico Sotto at running-mate Dodot Jaworski, nakapaghain na ng COC

Mayor Vico Sotto at running-mate Dodot Jaworski, nakapaghain na ng COC

NAKAPAGHAIN na ng Certificate of Candidacy (COC) sina Mayor Vico Sotto at kanyang running-mate na si Robert Dodot Jaworski sa unang-araw ng filing.

Dumating kanina alas 9:00 nitong umaga sina Mayor Vico Sotto ng Certificate of Candidacy (COC) bilang alkalde ng Pasig City para sa ikalawang termino.

Kasama ni Mayor Sotto ang kanyang running mate na si dating Pasig Congressman Robert ‘Dodot’ Jaworski, Jr. na tatakbo bilang Vice-mayor ng lungsod na nakapaghain na ng COC.

Tatakbo si Sotto sa ilalim pa rin ng Aksyon Demokratiko party ni Congressman Roman Romulo.

Matatandaang, tinalo ni Sotto ang dating alkalde na si Robert Eusebio sa 2019 midterm elections, na matagal nang nakaupo bilang mayor simula pa noong 1992.

Si Jaworski naman na dating basketball player, ay nakapagsilbi bilang Pasig representative mula 2004 hanggang 2007.

Tumakbo rin bilang alkalde si Jaworski noong 2007 pero natalo ito ni Robert Eusebio.

Inaasahan naman na sususnod na mga araw ay maghahain ng Certificate of Candidacy ang Councilor slate ni Sotto para sa District 1 at District 2 ng Pasig City.

SMNI NEWS