SIYAM sa sampung Pilipino ang naniniwala na ang fake news ay problema sa Pilipinas.
Sa Pulse Asia survey na isinagawa mula September 17-21, 2022, lumabas na 86% ng mga Pilipino ang naniniwala na problema sa bansa ang false news o fake news.
Nasa 21% naman ng respondents ang nagsabing isang beses sa isang araw sila madalas nakakabasa, nakakarinig o nakakanood ng balita tungkol sa pamahalaan o politika na walang katotohanan o fake news.
Ayon din sa survey, kalahati sa mga respondents ang binanggit ang internet o social media at telebisyon bilang source ng false information na kanilang nabasa, narinig o napanood.
Habang 58% ng mga Pilipino ang tinukoy ang mga social media influencers, bloggers o vloggers na mga tao o grupong nagpapakalat ng fake news.
Sumunod naman dito ang mga mamamahayag na nakakuha ng 40% at ang national level politicians na nakakuha ng 37%.