85% ng mga Pilipino ang naniniwala na nasa tamang landas ang Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
31 milyon ang bumoto kay Pangulong Marcos sa nagdaang 2022 presidential elections.
First time sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas na ganoon kadami ang bumoto sa isang presidente.
Kaya ngayong 6 na buwan na sa termino si Pangulong Marcos, ay may feedback na agad ang taumbayan sa kanyang performance.
Batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research Group, 85% ng mga Pilipino ang nagsabing nasa tamang landas ang Pilipinas kay Pangulong Marcos.
“Kinonduct nitong nationwide survey. 1,200 samples October 23-27 so very recent lang mga 1 month ago. 1,200 respondents from A,B,C and E aged 18 pataas so nationwide ito and yung margin of error is plus-minus 3 percent. So ang tanong kung pwedeng basahin ko, ito yung tagalog version. Base sa mga programa at polisiyang inilahad at ginawa ng kasalukuyang administrasyon, sa tingin mo ba ay patungo sa tamang direksyon ang ating bansa? And tama ka nga Admar, 85% sa Philippines said yes,” ayon kay Dr. Guido David, Research Fellow, OCTA.
At ayon kay David, ang mga taga-Visayas ang pinaka-nagtitiwala kay Pangulong Marcos batay sa survey.
“Sa Mindanao 84% ang nagsabing yes, nasa tamang direction. Sa Visayas 91%, sa Balance Luzon 81% at sa NCR 70%,” aniya.
Saad pa ni David na sa mga tinanong nila sa survey, 6% lang ang hindi kontento.
Ayon naman sa OCTA, maaaring gamitin na inspirasyon ng administrasyon ang resulta ng survey.
“So hindi naman siya make or break pero siyempre since maganda ang confidence ngayon ng mga taumbayan sa current administration. Unang-una pwede itong inspiration sa administration na okay malakas na ang tiwala sa atin, we’re going to the right direction, let’s keep it up parang ganun,” saad pa ni David.
Samantala, may mensahe naman ang OCTA sa mga kritiko ng administrasyon na tinitira ang resulta ng kanilang survey.
Para kasi sa mga anti-Marcos, fake news ang mga ganitong uri ng survey.
“In general naman, people believe what they want to believe. And so mahirap ma-convince eh yung mga ibang tao lalo na pag hindi ayon sa paniniwala nila yung resulta ng survey. Pero yan yung scientific, yan yung sinabi ng ating mga kababayan. At wala naman tayong magagawa sa sinabi ng ating mga kababayan,” ani David.