MAYORYA ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa resulta ng 2022 elections.
Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia, 82% ng mga Pinoy ang malaki ang tiwala na tama at may kredibilidad ang resulta ng May 9 elections.
Habang nasa 4% lang ang may duda sa resulta ng halalan at 14% ang undecided.
Nakasaad din sa kaparehong survey na 67% ng mga Pinoy ang nagsabing mas credible ang resulta ng 2022 elections kaysa noong 2016.
Habang nasa 39% ang nagsabing mas kaunti ang dayaan ngayon kaysa noong 2016 at 86% ang nagsabing mas mabilis ang bilangan ng boto nitong nagdaang halalan kaysa noong 2016 elections.
Samantala, nasa 89% ng Filipino adults ang kuntento sa paggamit ng vote counting machines (VCM), 4% ang hindi kuntento at 7% ang undecided.
Apat naman sa 10 Pinoy ang nagsabing naging patas ang influential media practitioners sa kanilang election reporting.
Isinagawa ang survey noong Hunyo 24-27, 2022 na may 1,200 adult respondents.