SA ikalawang sunod na linggo, muling magkakaroon ng big-time price rollback ang mga kumpanya ng langis simula ngayong araw ng Martes.
Sa abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil, Caltex, Flying V at Petron, nasa P5 ang bawas-presyo sa kada-litro ng kanilang gasolina.
Nasa P2 naman ang kaltas sa presyo ng kada-litro ng kanilang diesel habang P0.70 sa kada litro ng kanilang kerosene.
May kapareho ring price rollback sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Jetti, PTT Philippines, Phoenix Petroleum Philippines at Petro Gazz.
Pawang epektibo ang price adjustment ng alas-6 ng umaga, Cleanfuel ng 8:01 ng umaga, maliban sa Caltex na nagpatupad kaninang 12:01 ng umaga.