NANINIWALA ang mayorya ng mga Pilipino na dapat palakasin ng administrasyon Marcos ang kooperasyong panseguridad sa Amerika upang maipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Base sa resulta ng Pulse Asia survey, 84% ng mga Pilipino ang nais makipagtulungan ang gobyerno sa US para ipagtanggol ang WPS.
Nasa 52% respondents naman ang naniniwalang dapat din makipagtulungan ang administrasyon sa Japan; 25% sa Australia; 24% sa United Kingdom; at 23% sa South Korea.
Habang nasa 20% naman ng respondents ang nagsasabing dapat ay makipagtulungan ang administrasyong Marcos sa China at European Union; 17% sa Russia; 12% sa France; at 2% sa India.
Isinagawa ang survey noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1, 2022 ng commission ng Stratbase ADR Institute.