Meat traders, isinisi ang maluwag na polisiya ng pamahalaan sa pagkalat ng ASF

Meat traders, isinisi ang maluwag na polisiya ng pamahalaan sa pagkalat ng ASF

ISINISI sa maluwag na polisiya ng pamahalaan ang pagkalat ng African swine fever (ASF) sa 460 na bayan at 54 na probinsiya.

Ayon kay MITA President Jesus Cham, ang mga ipinapatupad na patakaran ng pamahalaan sa ngayon ay hindi sapat upang mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Dagdag ni Cham, masyadong maluwag ang ipinapatupad na polisiya kaya patuloy na nakalulusot ang ASF sa iba’t ibang probinsiya.

Base sa pinakahuling datos ng Bureau of Animal Industry (BAI) tanging 20 na probinsiya lamang ang walang kaso ng ASF kabilang ang Batanes, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon, Masbate, Aklan, Antique, Negros Occidental, Bohol, Negros Oriental, Siquijor, Biliran, Bukidnon, Misamis Occidental, Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Sulu, at Tawi-Tawi.

Iminungkahi ni Cham sa pamahalaan na gumawa ng grupo ng mga backyard farms at bumuo ng biosecurity measures.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter