ASF, kumalat na sa ibang bahagi ng Cebu

ASF, kumalat na sa ibang bahagi ng Cebu

KUMALAT na ang African swine fever (ASF) sa iba’t ibang bahagi sa probinsiya ng Cebu.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Animal Industry (BAI), ang mga apektadong lugar na nahawaan ng highly contagious viral disease ay kinabibilangan ng Cebu City, Liloan, Tuburan, Bogo City, at Sibonga.

Nabatid na sa Carcar City unang may nadetect na umano’y ASF infestation nitong unang linggo ng Marso.

Ayon sa Animal Bureau, ang samples mula sa backyard farms sa area ay ipinadala sa Regional Animal Disease Diagnostic and Reference Laboratory para sa RT-PCR tests na ikinukonsidera nila bilang “gold standard” sa testing at confirmation ng ASF virus.

Samantala tiniyak naman ng BAI na nagsasagawa na sila ng dagdag na imbestigasyon para matukoy ang extent ng outbreak sa naturang probinsiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter