UMAGA pa lang dinagsa na ng mga aplikante na nais magtrabaho abroad ang Overseas Mega Job Fair na isinasagawa sa Department of Migrant Workers (DMW) building, Mandaluyong City ngayong Lunes, Mayo 1.
Ayon sa DMW, nasa 15,000 job orders ang nakalaan sa mga job seeker abroad.
Kabilang na rito ang 31 land based agencies at 4 manning agencies ang nakilahok sa naturang jobs fairs.
Ayon naman kay DMW Usec. Bernard Olalia, wala silang ginawang job fair online para matiyak na walang makalulusot na online scam na mabibiktimang aplikante.