TAPING para sa isang project ang isa sa ipinunta ng comedienne na si Melai Cantiveros sa South Korea.
Sa nakalipas na mga araw, ay magugunitang ibinahagi nito ang mga litrato niya kasama ang pamilya habang naglilibot sa Seoul.
Sa hiwalay naman na post ay ibinunyag na ni Melai na may pinagkakaabalahan nga itong project sa nabanggit na bansa.
Hindi naman idinetalye ni Melai kung ano ito subalit posibleng “Maam Chief” ang pangalan ng project.