BIGONG manalo ang men’s volleyball team ng Pilipinas kontra Indonesia sa naging opening game nito sa 19th Asian Games sa China.
Sa tally, 22-25, 23-25, 20-25 ang iskor ng Pilipinas.
Ito’y kahit nag-ambag ng 17 points at 16 attacks si Bryan Bagunas; 9 points kay Steven Rotter; at 8 points kay Marck Espejo.
Samantala, kanina 2:30 ng hapon ay nanalo ang men’s volleyball team ng Pilipinas kontra Afghanistan.