MALAKING realization ang hatid ng attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD) sa buhay ng Pinoy singer na si Moira dela Torre.
Sa isang interview, sinabi niya na natuto siyang mas kilalanin nang mabuti ang kaniyang sarili at napag-isip-isip niyang luwagan ito dahil sobrang higpit niya na pala rito.
Kasabay rito ay binigyang payo ng singer ang lahat lalong-lalo na ang kaniyang fans na huwag mahiyang magpakonsulta sa doktor sakaling may ganitong kondisyon.
Aniya pa, “It’s okay not to be okay”.