Meralco tiniyak ang sapat na kuryente ngayong tag-init

Meralco tiniyak ang sapat na kuryente ngayong tag-init

NANINIWALA ang Meralco na hindi magkakaroon ng problema sa suplay ng kuryente sa nalalapit na tag-init.

Ayon sa kompanya, ito’y dahil tinututukan nila ang kanilang supply requirements.

Posibleng magkaroon ng isyu kung may biglang mag-shutdown na planta o may aberya sa transmission facility.

Samantala, makikita na sa April billing ang refund ng Meralco alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Tatagal ito ng tatlong taon, kung saan nasa P40 ang refund para sa mga kumokonsumo ng hanggang 200 kilowatt-hour kada buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble