Merger ng Land Bank at DBP, target na makumpleto sa first half ng 2024

Merger ng Land Bank at DBP, target na makumpleto sa first half ng 2024

TARGET na makukumpleto sa unang kalahating taon ng 2024 ang planong merger sa pagitan ng Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, sumailalim na ngayon sa complete staff work (CSW) ang isinumiteng executive order (EO) sa Office of the President at inaasahang ma-aaprubahan na ito.

Kapag maaprubahan na ng Pangulo, kailangan pa itong aprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng mangyari sa katapusan ng taon.

Matatandaan na sa katapusan ng 2023 sana ang original target ng ahensiya pero nagkaroon ito ng konting pagkaantala.

Kapag maipatupad na ang Land Bank-DBP merger, tinatayang nasa P975-M ang magiging savings o ang matitipid ng bansa kada taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter