PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang isang command conference sa Camp Crame ngayong araw.
Kasama ni Acorda ang lahat ng regional directors at iba pang matataas na opisyal ng pulisya.
Ayon kay Acorda, ipinatawag nila ang pagpupulong upang makakuha ng updates at feedback sa nangyayari sa ground.
Maliban dito, tatalakayin din ang pensiyon ng mga miyembro ng Pambansang Pulisya, paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre.
Gayundin ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong Hulyo, paglaban sa insurhensiya at iba pang mahahalagang usapin.
