Metro Manila Mayors, nakatakdang pumirma ng MOA kaugnay sa Single Ticketing System

Metro Manila Mayors, nakatakdang pumirma ng MOA kaugnay sa Single Ticketing System

NAKATAKDANG pumirma ng memorandum of agreement (MOA) ang lahat ng mayor ng Metro Manila patungkol sa pag-iimplementa ng single ticketing system sa April 13, 2023, araw ng Huwebes.

Ikinatuwa ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagpirma at suporta ng lahat ng mayors ng Metro Manila patungkol sa single ticketing system.

Ayon kay Zamora, kasama sa naturang Memorandum of Agreement ang Land Transportation Office.

Ito aniya ay magbibigay-daan para sa maayos na implementasyon ng single ticketing system.

Sa ngayon ani Zamora ay inaayos na ng mga LGU kasama ang LTO ang systems nito bilang paghahanda sa single ticketing system.

Kabilang sa mga violation na sakop ng single ticketing system ay ang paglabag sa traffic signs, illegal parking, reckless driving, pag-drive na walang lisensiya at registration papers, overspeeding, illegal counterflow, paglabag sa number coding scheme, obstruction, at hindi pagsusuot ng helmets para sa  motorcycle riders.

Samantala, alinsunod sa single ticketing system, magbabayad ng standard amount ang mga violator, saanmang lokasyon sa Metro Manila ito lumabag sa batas-trapiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter