FOTON, Pasig may P1-M pabuya sa may pinakamagandang research paper

FOTON, Pasig may P1-M pabuya sa may pinakamagandang research paper

NAGKAISA ang Pasig City at Foton Motors Philippines Inc. na magbigay ng hanggang P1-M financial grant para sa mga senior public high school student na may pinakamagandang research paper sa kanilang lungsod.

March 15, 2023 nilagdaan ang naturang Memorandum of Agreement (MOA).

Malalaman ang winners para dito batay sa ‘school-based research festival’ ngayong taon at ang mismong pipili ay ang Pasig Schools Division Office.

Isa sa target ng ‘Monetary Award’ ang magkaroon ng panustos ang mananalo para sa kanilang college education.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter