NASAWI ang isang Mexican na babae matapos pinagkakagat ng pating bandang balakang sa isang beach na malapit sa Pacific Ocean.
Partikular na nangyari ito noong Disyembre 2, 2023 sa may Melaque, Manzanillo, Jalisco sa Mexico.
Sa ulat, kasamang nag-swimming ng biktima ang five-years old nito na anak.
Nasa bandang floating play platform ang dalawa nang mangyari ang pagkagat ng pating.
Mabilis ang pagresponde ng mga tao sa babaeng biktima subalit nasawi pa rin ito dahil sa blood loss.
Hindi naman nakagat ang anak nito.