Mga abogado ng SMNI, pinag-iinhibit ang 3 opisyal ng NTC

Mga abogado ng SMNI, pinag-iinhibit ang 3 opisyal ng NTC

PINAG-iinhibit ng mga abogado ng SMNI ang tatlong opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon kina Atty. Mark Tolentino at Atty. Rolex Suplico, sina Commissioner Ella Blanca Lopez at Deputy Commissioners Jon Paulo Salvahan, at Alvin Bernard Blanco dahil sila ang naghain ng reklamo laban sa SMNI.

Diin ng mga abogado, kuwestiyunable ang independence at impartiality ng nasabing mga opisyal dahil sila ang naghain ng reklamo laban sa network, sila rin ang maglilitis at kabilang sila sa magpapasya sa kahihinatnan ng istasyon.

“NTC will never be an independent and impartial tribunal because it is itself the complainant in its own court. How can SMNI expect justice in this kind of set-up? It is naturally expected that the decision of the NTC will always be in favor of the complainant, which is also itself,” saad ng mga abogado.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter