BINALIKTAD ng Court of Appeals (CA) ang desisyong payagang makapag-piyansa ang anim na akusado sa pagkawala ng mga sabungero sa Manila Arena taong 2022.
Dahil dito, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na aarestuhin muli ang mga akusadong security personnel ng Manila Arena.
Matatandaang pinayagan ng Manila Regional Trial Court Branch 40 ang mga akusadong security personnel na makapag-piyansa ng tig-P3M para sa non-bailable cases tulad ng kidnapping at serious illegal detention.
Ang mga security personnel na ito ang itinuturong huling mga nakasama ng mga sabungero bago isinakay sa isang van at nawala.