Mga ambassador ng Italy, Ireland, Vietnam, at Laos, nakipagkita kay VP Sara Duterte

Mga ambassador ng Italy, Ireland, Vietnam, at Laos, nakipagkita kay VP Sara Duterte

ILANG diplomats ang nag-courtesy call kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa DepEd Central Office sa Pasig City ngayong araw.

Kabilang sa mga ito ay sina Italian Ambassador H.E. Marco Clemente, Irish Ambassador H.E. William John Carlos, Vietnamese Ambassador H.E. Hoang Huy Chung at Lao Ambassador H.E. Songkane Luangmuninthone.

Ayon kay Clemente, natalakay nila ni VP Duterte ang tungkol sa pagtuturo ng kultura ng Italya sa mga Pilipinong mag-aaral partikular na ang musika at opera.

Naibahagi naman ni Carlos sa kanilang pag-uusap ni VP Duterte ang kahalagahan ng edukasyon sa pag-unlad ng bansang Ireland.

Nais ng dalawang opisyal na matuto sa kani-kanilang karanasan tungo sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon.

Inihayag naman ng Vietnamese Ambassador na ang bansang Vietnam ay nasa tabi lang ng Pilipinas at handang tumulong.

Dagdag pa ng ambassador na muling bibisita si Vietnamese Vice President Võ Thị Ánh Xuân sa bansa.

Tinitingnan naman ng Ambassador ng Laos ang pagpapadala ng mga estudyante mula sa kanilang bansa sa Pilipinas para mag-aral.

Aniya isa ang Pilipinas sa may pinakamagandang edukasyon sa murang halaga.

Inimbitahan niya rin ang Pangawalang Pangulo na bisitahin ang Laos.

BASAHIN: VP Sara Duterte, pinapaimbestigahan na ang pagbili ng mahal at outdated na laptops ng PS-DBM

Follow SMNI News on Twitter