NAKATANGGAP ng tulong ang mga residenteng apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro mula sa Office of the Vice President – Disaster Operations Center (OVP-DOC).
Nagsagawa ng relief operations ang OVP sa mga apektadong residente sa Calapan City at sa mga bayan ng Naujan at Bulalacao.
Nasa kabuoang 2,924 sako ng bigas na katumbas ng 146,200 kilo ang ipinamahagi ng ahensiya.
Nitong April 25, umabot ng 1,469 na sakong bigas ang naipamahagi sa Naujan at Bulalacao.
Ito na ang ika-4 na relief mission na isinagawa ng OVP-DOC matapos lumubog ng MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan noong Pebrero 28.