Cavite City LGU at DHSUD, nagpulong para sa posibleng partnership sa Pabahay Program

Cavite City LGU at DHSUD, nagpulong para sa posibleng partnership sa Pabahay Program

INIHAYAG ni Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Secretary Rizalino Acuzar na nakipagpulong sa kaniya si Cavite City Mayor Denver Chua.

Ito’y may kaugnayan sa ‘Pambansang Pabahay’ program ng administrasyong Marcos.

Ayon kay Acuzar, nagpahayag ng interes ang alkalde para sa posibleng partnership sa Pabahay program.

Layon din nito na makatulong na tugunan ang housing backlog sa bansa na mahigit 6.5 milyong units.

Ipinakita rin ng alkalde ang mga plano sa pabahay ng lungsod ng Cavite na pakikinabangan ng may 497 pamilya.

Kampante rin ito na matugunan din sa kalaunan ang kanilang 6,000 backlog sa pabahay.

Ipinangako rin ni Acuzar ang tulong nito sa alkalde kaugnay sa naturang proyekto na upang matiyak ang disente at abot-kayang pahabay para sa mga nasasakupan nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter